Friday, March 5, 2010

Chaos indeed!

What a chaos! But chaos should be sorted out. So, if only for my contentment or peace of mind, I have to do the things I have planned today. But at the back of my mind, I love those chaos, at the back of my mind, I want to regularly sneak in to those chaos! But at the moment, I have to be in my mind. In the end, I believe, it would be forever like that, I will be up and straight most of the time and sneaking inadvertantly to chaos (sudden urge to do things not in your plan that may sometimes be destructive, just anything) from time to time, to happiness?!!

Friday, December 26, 2008

Sunsets

from scorch sun sets
melancholic hues fashioned
to ponder certain



Anilao, Batangas

Balayan Bay, Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas


Anilao, Batangas


Balayan Bay, Anilao, Batangas


Anilao, Batangas


Balayan Bay, Anilao, Batangas


Duka Bay, Medina, Misamis Oriental

Duka Bay, Medina, Misamis Oriental

Duka Bay, Medina, Misamis Oriental

Lake Lodi, Lodi, California

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas

Anilao, Batangas




























































































































































































































































































































Monday, November 24, 2008

Ang Kakilala Kong Tiga Heidelberg (Kailangan bang magbago ang pamantayan ng moralidad kapag nasa ibang lugar?)

Noong 2001, nabigyan ako ng pagkakataon na maka attend ng training on "Hydropower and Environment" sa Trondheim, Norway. Marami na rin akong trainings abroad na napuntahan at tuwing mangyayari iyon, sinisigurado ko na makapasyal na rin sa kalapit lugar para masulit ang pamasahe. Madalas sa hindi, para maging candidate ang kalapit na lugar na iyon, dapat may kakilala ako doon o kakilala ng kakilala ko para merong matitirhan at makakarating sa lugar na iyon na di masyadong gumagastos. So noong nalaman ko na natanggap ako sa training on "Hydropower and Environment", nag isip ako agad kung saan nga bang kalapit na bansa puwedeng mamasyal pagkagaling sa Norway. 'Ting', yung officemate ko, ang kapatid ay scholar sa University of Heidelberg sa Germany, medyo malapit lang ang Germany sa Norway dahil European country din ito. Puedeng pumunta sa Germany galing Oslo, Norway sa pamamagitan ng train lamang. So nag umpisa na akong magsaliksik kung posible nga ba ang iniisip ko na makapunta sa Heidelberg sa pamamagitan ng kapatid ng officemate ko. Natuwa ako, dahil nung sinabi ko na ito sa officemate ko, welcome na welcome kaagad ako. Winelcome na kaagad ako ng officemate ko para sa kapatid niya. Puwede nga daw puntahan ang kapatid niya sa Heidelberg. Sa experience ko, ganon talaga ang mga Filipino sa abroad, kung naging maganda ang buhay nila sa bansang iyon, tuwang tuwa sila na ikuwento at ipaalam ito sa kapwa nila Filipino. Hanggang sa puntong patutuluyin at patulugin ka sa bahay nila. Dahil Ph.D. scholar sa University of Heidelberg ang kapatid ng officemate ko, talagang well-off sya sa Germany, nakatira sa magandang dormitoryo para sa mga graduate students. So magmula Oslo, Norway, pumunta muna ako sa Schipol Airport sa the Netherlands, kasama na kasi sa tiket ko ito. Magmula sa Schipol Airport, nag train ako papuntang Heildelberg. Nadaanan pa nga ng train ang Cologne Cathedral, ang ganda! gothic style, very massive gothic design ang Cologne Cathedral. Medyo nahirapan akong magkarga ng maleta ko, dalawang malalaking maleta kasi, tapos yung mga tao sa paligid, palibhasa karamihan mga Germans, di nagsasalita ng English, pag hihingi ka ng tulong sa wikang English, parang di nila alam kung paano mag react hanggang sa di ka na lang tutulungan. Nahirapan ako sa tuwing ipapasok ko yung dalawang malalaking maleta sa train, yung tipong parang mahuhulog yung mga maleta sa uwang sa pagitan ng train at flatform. So pagdating sa Heidelberg Station, sinalubong ako ng kapatid ng officemate ko. Then, nag taxi kami papuntang high rise dormitory nila. Hapon na yung dumating ako, kaya ng gabing iyon, nagpahinga lang ako. Habang kami ay nakahiga, ikinuwento sa akin ng kapatid ng officemate ko na madalas daw magpunta sa dormitory niya si Dr. Becker (naikukwento na sa akin ng officemate ko yung Dr. Becker, nakapunta na nga iyon sa Cebu City at nag ninong na sa isa sa mga kapatid nila). Academic adviser ng kapatid ng officemate ko iyong si Dr. Becker, German yon. Nagulat na lang ako ng ipakita sa akin ng kapatid ng officemate ko ang mga triple x-rated pictures nila ni Dr. Becker. Nandun yung close up na picture na ari ng kapatid ng officemate ko na tila basang basa pa at galing sa pakikipagtalik. Nandun din yung close up na ari naman ni Dr. Becker, tapos meron din yung naka expose yung boobs ng kapatid ng officemate ko. Tuwang tuwa yung kapatid ng officemate ko habang pinapakita sa akin ang mga pictures. Parang ang ibig sabihin niya, iyon ang 'in' sa Europe, yung casual sex. Tapos ikinuwento pa sa akin na sa tuwing dadalaw si Dr. Becker dun sa dormitory, papasok pa lang ng pinto, hinuhubad na ang pantalon. Tapos nakita ko yung mga multivitamins and birth control pills sa ibabaw ng mesa. Ipinagmalaki rin sa akin ng kapatid ng officemate ko na regular na regular niyang iniinum ang mga pills na iyon kasama na iyong multivitamins turo daw sa kanya ni Dr. Becker. Maliwanag naman ata na mag boyfriend yung kapatid ng officemate ko at si Dr. Becker. Pero maliwanag din na may asawa si Dr. Becker sa Germany. Naawa ako sa kapatid ng officemate ko, hindi niya na re realize, ineexploit siya ni Dr. Becker, ginagawang parausan, at kinukunan pa ng pictures (at ipinagmalaki pa sa akin) pero sa kanya wala lang yun, akala niya, yung lang kasi ang uso. Kinabukasan, di rin ako masyadong na entertain ng kapatid ng officemate ko dahil may part time work sa isang canteen sa Heidelberg University. So ang ginawa nya, iniwan sa akin ang student card na puedeng makapag avail ng free lunch sa may canteen doon sa Heidelberg University, at ako naman pumunta nga sa canteen at ginamit ang student card niya. Habang kumakain, di maalis sa isip ko yung ginagawa ni Dr. Becker sa kapatid ng officemate ko. Noong mga panahon na iyon, gusto ko na ring akalain na uso nga lang sa Europe yung casual sex na ganon, pero ngayon na realize ko, dahil na rin sa kuwento ng mga kaibigan at kapatid ko sa abroad, sa buong mundo, lalo na sa developed countries, marami pa ring mga conservative, halimbawa, sa America, marami pa rin ang closely knitted na pamilya na sama samang nagsisimba tuwing Linggo. Ang pinapakita na mga American TV series na puros pagiging liberated ng mga babae at di malaking bagay ang casual sex ay masasabing di pangkaraniwan pero iyon ang hina highlight, akala mo yun na yung pangkaraniwan at gagayahin naman ng marami. Sabi sa mga kuwento nila, ang America ay parang Pilipinas lang din kung tutuusin sa pagiging conservatibo, marami pa ring totoong conservatibo in terms of moral values, maraming religious families, maraming Catholic Parishes na maraming parokyano, nagsisimba tuwing Linggo, etc. Kung anu yung pinapaniwalaan mong moral values dati, yun pa rin hanggang ngayon, di yun nagbabago.